7.29.2014

Halata Ka Ba?

Mga bading ngayon, lalo na ang mga nasa closet, mga namumuhay na sa closet, or ang mga paminta, naghahanap na ng kapwa furniture (closet), kapwa condiment (pepper), or basta HINDI HALATA. Pero pag tinanong ka, HALATA KA BA? Masasagot mo ba nang tama? Oo o hindi lang ang sagot. Kung paminta ka siguro sagot mo ay HINDI. Tama ka ba? Sure ka ba?

Marami na sa atin ay exposed na sa iba't ibang uri ng bading. Kaya marami na sa atin ang may GAYDAR. Sabihin na nating super macho ka, super astig mong kumilos. Ang sagot mo sa tanong na "Halata ka ba?" ay hindi. Tama ka ba? Let's say nakita ka ng isang taong malakas ang gaydar, siyempre ALAM NA NIYA AGAD. Therefore para sa kanya, HALATA KA DUDE! Let's say nakita ka ng taong tatanga-tanga or let's just say pa-virgin, at kahit anong makeup mo, or kahit anong kembot mo o rumampa ka pa sa harap niya, HINDI NIYA PARIN ALAM. Therefore para sa kanya, HINDI KA HALATA!

Conclusion, depende sa tao yan kung mahahalata ka o hindi. Kaya hindi mo alam for sure kung halata ka ba o hindi. Depende sa tao yan. 

Subscribe in a reader

No comments:

Post a Comment